THE WHEEL CLUB OF TAYABAS

http://share.shutterfly.com/action/welcome?sid=8EbOXDFsxaNWC

51st ANNIVERSARY and BALL

"GULONG NG PALAD - BALIK-TANAW SA LUMIPAS"

Dsc01405 Taong 1954 ng matatag ang samahang "GULONG NG PALAD". Ito ay binuo ng ilang Tayabasin na nag-aaral sa Maynila. Pinamunuan ito nina Judge Benedicto Mortos, Palma brothers na sina Conrado, Cesar at Rosauro; Atty. Rosalino Pandy ;Dr. Samson Lapuente, Fiscal Ricardo Ebron, Col Lis Araya Jr., Ex-Vice Mayor Antonio Talavera at marami pa.

Dsc01374 Palibhasa’y marami sa amin ang anak-dakila; bagama’t mayroon ding pangilan-ngilan na galing sa pamilyang may-kaya kung kaya’t ang naisipan naming ipangalan sa grup ay " Gulong ng Palad" o "The Wheel of Fortune Club of Tayabas, Quezon" na habang patuloy ang pag-ikot ng gulong ng kapalaran ay paminsan-minsan ang bahagi ng bagwis mo ay pumuapaimbabaw, pumapagitna at kapag minamalas-malas ay pumapailalim. Kaya, magsikap ka, magpunyagi at magpakasakit upang ang bagwis mo sa gulong ng palad ay mamalaging namamayagpag sa kaibabawan.

MARDIO NADERA
New Generation Wheelers

No comments yet. Be the first.

Leave a Reply